KWON JULIE - Fire and Water || Opposites Attract
Fire and Water
Fire and Water
Fire and Water
Fire and Water
Fire and Water
Fire and Water
Fire and Water


Feb 15, 2009

i miss blogging!
yup, the title says it all. since im a very busy person..i miss the old days where i can just sit down & write things that i love to talk about. actually, im planning on changing my page.. i mean, my site needs a 100 % reconstruction... hahaha. and im gonna start now....Smile


Currently listening to:
2nd [Remember]






Make a comment

This was posted by: jhuly @ Feb 15, 2009 10:03 pm.

Jul 9, 2007

im back

I'M BACK.....

balik na naman sa dati... ok na uli pc, at wala akong alam gawin ngayon kundi mag upload ng mga pics...

( dyna, mina, nicole & me )

( mina & me, cheng missing in action )

( mina , me & liza )

the tres marias, hehehe...

 

 




Make a comment

This was posted by: jhuly @ Jul 9, 2007 07:19 pm.

Jun 17, 2007

.

damn pc talaga, hanggang ngayon hindi pa din me makapag internet sa haws. kung bakit naman kc ang makulit kong kuya pinalitan ng cpu at pinagbabaklas ang mga hard drive ng old pc namin. kaya ayun, install na naman. kung kelan halos sinisingit ko na alng ang pagiinternet. kaya pag uwi ko sa bahay, kinatatamaran ko mag install. and here i am, at internet cafe again. sad sad sad talaga.  next time na me mag popost ng mga pics kapag pc ko na sa haws ang gamit ko. hehe, dami ko iuupdate. sayang lang pwede kona sana iupload kahit nandito ako kaya lang yung officemate ko, itinakas yung usb ko. hmmmp, lagot sya saken sa tuesday pag pasok nya. gyera na to.

 




Make a comment

This was posted by: jhuly @ Jun 17, 2007 06:17 pm.

May 7, 2007

...

damn pc, sira na naman. hindi ko na naman ma open kaya heto akongayon sa internet cafe at nagmamadali na naman magtype dahil hindi pwedeng wan to sawa.  mukhang kailangan ko na naman  syan i-format. hmmmm.. gonna need some help again.




Make a comment

This was posted by: jhuly @ May 7, 2007 06:26 pm.

May 4, 2007

what a day!?!

tulad ng dati, mga pangyayari sa buhay ko na naman ang ilalahad ko. unang-una, ang REINBURSEMENT. sa office kasi, kung magkano ang nagastos mo sa medical, ibabalik sayo. pero sa kaso ko, aba, last July pa yun, mag iisang taon na, wala pa din. sayang ang 2,000.00++ ko.  sayang talaga, ilang cd rin sana ang mabibili ko (maryosep, iprioritize daw ba ang mga cd, kekeke) pangalawa, SL. lagi na lang delay ang benefits namin. ang balita, nag announce na sina ma'am matta, na ibibigay ngayong May 15 ang inaasam-asam naming SL, aba, sayang din yun. (ilang cd din ang mabibili ko dun, kekeke). Wish ko lang magkaron ako ng cd ng Tennis no Ohjisama ( EDCEL, yung live action tutal malapit naman na yung birthday ko, regalo mo na yun, may 2 buwan ka pa para makaipon ).

nagpaparamdam lang... nagpaparamdam lang... nagpaparamdam lang...




Make a comment

This was posted by: jhuly @ May 4, 2007 11:44 pm.

May 1, 2007

.....

hehehe, just want to post this pictures:

DSI outing at Puerto Azul

 

Data Control Xmas Party ( bakit Happy Birthday ang background ??? )

Farewell Party para kay Cheng before she leaves to Den Mark

Cheng & Me after climbing Mt.Maculot, Batangas ( hay, overnight frm work then akyat ng bundok! sus kapagod ha )

DSI Managers & Supervisors, beach bums ??????, * kekekekeke*

 

Rhea & Me ( the "bishounen hunters" of Data Control )




Make a comment

This was posted by: jhuly @ May 1, 2007 10:32 pm.

Apr 24, 2007

Walang Kwentang Experience

hmmm, what a day. grabe to the max ang ginawa ko ngayong araw na to. daig ko pa super hero, baket???.....

1.   Gumising ng maaga ( as if lifestyle ko ang bumangon ng maaga )

2.   Pumunta ng DFA ( para kunin ang passport, ano pa nga ba ) at lintek! ang haba ng pila, buti na lang pang 12 ako sa unahan ( hay, what a relief ) at ang kulit ng mga mothers, fathers, & grannys sa pila. may halos mag away na. eto ang example ng mga litanya nila kanina.

mother # 1 :   bawal ho ang sumingit, pare-pareho lang ho tayong nagmamadali.

mother # 2 :   hindi ako sumisingit, may itinatanong lang ako sa guard ( tanong ba yun, eh pumapasok na sya sa loob ng room, style mo madir, luma na )

mother # 1 :   pumila nalang ho kayo sa dulo.

mother # 2 :   hindi ako bobo, alam ko gagawin ko! akala mo kung sino to!

mother # 1 :   sumunod na lang kasi kayo sa mga patakaran, ang laki ng signboard, hindi nyo pa nabasa, "para kang tanga" ( ---pabulong nya sinabi yan )

mother # 2 :   ( narinig yung binulong ni mother # 1 ) hindi ako tanga, kaya mag ingat ka sa sinasabi mo

at may sumingit na matandang lalaki sa usapan....Surprise

matanda :   tama na nga yan, ang aga-aga, magsitigil na nga kayo, para kayong mga bata

Shocked Shocked Shocked Shocked Shocked Shocked Shocked Shocked Shocked Shocked

at alam nyo na siguro ang mga sumunod na pangyayari.... nagkaroon ng palitan ng  mga sagot nila, buti na lang lumapit ang guard.

pinoy talaga, kahit kelan masyadong PASAWAY.

kaya pagkakuha ko ng passport, diretso na ng sakayan papunta office. pero ewan ko ba at hinahabol ako ng malas, yung jeep na sinakyan ko, nag cutting trip, kesyo kakain na daw sya at nagugutom na sya. kaya naglakad ako, at grabe ang nilakad ko, lokong driver yun, kasalanan nya at nabilad me sa araw ( wala pa naman akong dalang payong ) ang nakakainis lalo, walang fx, kaya nag jeep uli ako from baclaran to sucat. at habang nasa jeep ako, bigla pang nagtext si rona para sabihing dumaan ako ng chowking at ibili sya ng congee kase hindi sya makakain ng rice. Utusan ba naman ba ako, at dahil nagmamadali ako nagreply nalang akong " late na ako, baka hindi ako umabot sa oras ng pasok ko " pero ang totoo may time pa para makabili ako. sorry na lang at inatake ako ng katamaran. at pagpasok ko ng office, sangkaterbang trabaho ang bubungad sayo at puro asap. sino ba namang galing sa initan ang matutuwa. tapos pag uwi mo ng bahay mula sa 2.5 na oras na byahe pauwi dahil sa traffic, ang aabutan mo lang, nagkakakawag na aso at maiingay na pusa na nakita ko pang katatalon lang galing ng lamesa namin. matapos nyang mag acrobat, nagngingiyaw ang pusa namin, lalong nakakainis dahil obvious namang ako lang ang tao sa bahay at tinatakot pa nya ako. at kanin lang ang niluto, ako ang nag isip kung ano ang lulutuin kong ulam.

KAMALASAN talaga, minsan lang dumapo sayo, sagad-sagad naman ang banat. Wish ko lang, swerte naman ang dumating.




Comment (1)

This was posted by: jhuly @ Apr 24, 2007 11:58 pm.

Apr 19, 2007

.....

hehehe, love ko talaga kyou kara maou, lalo na yuuram couple, wala nga me ginawa magdamag kundi magbasa ng mga fanfic about sa kanila, magdownload ng mga pics, at magdownload ng mga mp3's soundtrack nila para patugtugin ng paulit-ulit hanggang magsipag dugo mga tenga ng mag tao sa amin. and since i'm addict enough para ipagsigawan pa sa mundo... i'd simply attached yuufram pic.... i love this couple very much...( arent they cute??? )

para po sa mga dadaan sa blog ko, penge ng mga kyou kara maou wallpaper... hindi pa ako k untento sa mga pics ko eh. heheheWink

 




Make a comment

This was posted by: jhuly @ Apr 19, 2007 06:28 am.

Apr 17, 2007

.....

walang kwentang title.... wala lang talaga me magawa, kc hanggang ngayon, hindi ko pa din maayos blog ko. ilang araw din me hindi nakapag internet. lintek na connection, lagi akong nadidisconnect, kulang na lang ibato ko pc ko. at eto pa, nag away kami ng bisor ko, kaya heto, bad trip na bad trip ako. kelan naman kaya me makakaalis ng pinas ng makatakas nako sa kuko ng DSI. buti nalang napanuod ko arashi sa music station. wow, 2 wks in a row cla nakapag perform dun ha. at kasama pala c "nino" dun sa letters from iwo jima-tama ba title ko. basta, salamat sa cable, kahit papaano naalis pagkaaburido ko. next time, matinong entry naman ang ipo-post ko... isang magandang yuufram muna ang ipopost ko.  Wink

 




Make a comment

This was posted by: jhuly @ Apr 17, 2007 01:22 am.